Huwebes, Pebrero 28, 2013
kaputol ng pag-tao
kaputol ng pagka-tao
Matagal na panahon ang hinintay ni glenn bago nya mabuo ang kanyang pangarap
sa pag-awit, marami ang nagsasabi na mahusay siyang tumugtog ng gitara at kumanta,madalas pa nga syang nasasabihan na sumali sa mga singing contest sa t.v. masayang-masaya sya sa tuwing makukuha sya ng ganung
papuri mula sa iba-ibang tao.. maging sa mga bar na tinutugtugan nya ay ganun din ang mga sinasabi sa
kanya. akala ng iba na katulad ng mga masayang kinakanta nya na nakapagbibigay sa karamihan ng kasiyahan ay ganun din ang tunay nyang buhay....
bata palang sya ng siya'y iwan ng kanyang ama, ito ay nag-asawa ng iba. pumunta ang tatay ni glenn sa bahay n lola nya at nakiusap na hihiramin muna yung bata (glenn), dinala sya ng kanyang ama sa tinutuluyan nyang bahay kasama ng pangalawa nyang asawa. inasikaso sila glenn ng kanyang ina-inahan, mabait at maasikaso si tiya mely, kinabukasan pumasok na ang ama ni glenn sa trabaho at naiwan si glenn at ang kanyang ina-inahan, walang anu-ano ay bigla syang pinalo ng kanyang tiya mely... nagulat si glenn, sa murang isip ng bata ay may namuong takot sa kanya, sapagkat nanlilisik ang mata ng tyahin at kinukurot sya sa singit, sinasabunutan ang patilya at sinasabing...."WALA KANG KARAPATANG MAGLARO!!!!" "MAGHUGAS KA NG PINGGAN!" 6 na taong gulang si glenn ng mga panahon na yun.. kaya wala sa isip nya na sya ay pinagmamaltratuhan na ng kanyang ina-inahan. "MAGLINIS KA NG BAHAY! MAGWALIS KA! WAG KANG MATUTULOG NG TANGHALI! ISUSUMBONG KITA SA PAPA MO PAG SINUWAY MO AKO! ganyan palagi ang sinasabi ni tiya mely kay glenn... ngunit pagtuntong na ng oras na malapit nang umuwi ang ama ni glenn bigla na lang magiging mabait si tiya mely...malapit na ang isang linggong palugit ng lola ni glenn, sya ay uuwi na. pagdaying ni glenn sa bahay ay agad syang tinanong ng mama nya, "maganda ba ang bahay ng papa mo dun?" "opo! tugon ni glenn. "ano palagi ang ulam mo?" tanong ng lola ni glenn. "fried chicken po!'' alam nyo po lola...marami nga po akong natutunan dun!" "ano-ano?" "maghugas ng pinggan,maglinis ng bahay maglampaso ng sahig..."pinapagalitan ka ba nung asawa ng papa mo? opo! pinapalo nga nya ako at kinukurot... walang ano-ano ay nagalit ang lola ni glenn. naiiyak dahil sa murang edad ng bata ay nakaranas na sya ng ganun.. kaya ng bumalik ang ama ni glenn upang hiramin ulit yung bata ay galit na tumutol ang lola niya. "HINDI MO NA MAAARING KUHANIN YUNG BATA! ALAM MO BANG IBINIBIGAY KO ANG LAHAT NG PAGMAMAHAL,ATENSYON SA BATANG ITO? KAHIT PAGOD NA PAGOD AKO AY GIGISING AKO NG MADALING ARAW UPANG MAGTINDA SA PALENGKE PARA MASUPORTAHAN KO NG MAAYOS ANG BATA NA ITO! KAYA HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA ALILAIN SYA NG KINAKASAMA MO! naiiyak na sabi ng lola ni glenn. " nay, ano po ba ang sinasabi nyo?" tanong ni erning ama ni glenn. "BAKIT HINDI MO TANUNGIN ANG BATA NG MALAMAN MO KUNG ANO ANG KAHAYUPAN NA GINAGAWA NG KINAKASAMA MO SA APO KO?".... "anak, ano ba ginagawa ng tita mely mo sayo?" "pinaglilinis po ng bahay." "ano pa?" pinaghuhugas ng pinggan,pinaglalampaso po... pag umaalis na po kayo pinapalo nya ako at kinukurot..." nakiusap si erning na payagan pa sya na kuhanin yung bata kahit na huling sandali na lang yun, at pumayag ang lola ni glenn... pagdating nila erning at ni glenn sa bahay, tipikal na tagpo. masaya si tiya mely, naghain ng pagkain... wala syang kamalay-malay na alam na ni erning ang ginagawa nya kay glenn. kinabukasan, kumakain sila ng almusal, "glenn, anak, kumain ka ng kumain ha? papasok na si papa.." "opo!" "hon, alis na ako..." "ok hon!" pag-alis na pag-alis ni erning.... hinablot ni tiya mely ang buhok ni glenn, ano pa ang ginagawa mo? magwalis ka ng bahay! sabi po ni papa kumain daw po ako... ah! naniwala ka naman? hoy! wala kang karapatang kumain dito! sige! magwalis ka ng bahay! walang nagawa ang bata kundi ang magwalis ng bahay... tita, tapos na po.... maghugas ka ng pinggan! opo.... naghuhugas ng pinggan si glenn ng biglang dumating si erning, anak ang tita mely mo? na sa banyo po? bakit po kayo bumalik papa? may nakalimutan po ba kayo? tok! tok! tok! sino ba yan? tanong ni mely, ng buksan nya ang pinto ng banyo ay nagulat sya ng makita nya si erning... h-hon? nanginginig na sabi nya. walang ano ano ay sinampal sya ni erning, HAYOP KA! PANO MO NAGAWA SA BATA YAN? IHAHATID KO NA YUNG BATA SA KANILA PERO GUSTO KO PAGBALIK KO DITO AY WALA KA NARIN DITO! KUNDI AKO ANG PAPATAY SAYO! inihatid ni erning si glenn sa bahay nila, "papa, kaylan ka babalik? hindi sumagot ang ama....hindi alam ni glenn na iyon na ang huli nilang pagkikita, simula nun araw-araw ng naghihintay si glenn sa labas ng kanilang tahanan, nagbabakasakali na dumating bigla ang kanyang ama ngunit palagian syang bigo.. lumipas ang ilang taon nagdesisyong mag-asawa muli si melinda ang ina ni glenn, tutol man ang magkapatid ay wala silang nagawa sa desisyon ng kanilang ina... kuya, pano na tayo ngayon? tanong ni lita kay glenn, nandyan naman si lola hindi niya tayo pababayaan... mabait naman si francisco na amain ni glenn at lita, ngunit angina nilang si melinda ay tila ba walang amor sa 2 bata... tuwing pasko ang ibinibili lang ng damit ay yung mga anak nya sa pangalawa, pag umaalis sila naiiwan yung dalawa. first year high school na si glenn ng biglang bumulaga sa kanilang tahanan ang isang lalaki.... glenn, kilala mo ba ito? maaari ba nyang makalimutan ang taong hinintay nya ng ganun katagal? "sino ba sya mama?" kaila ni glenn... siya ang papa mo. natuwa si glenn, ipinasyal sya ng kanyang ama, may bago na pala syang asawa, isinama din sya sa bahay nila... makaraan ang mahabang kwentuhan ngapahayag si erning na gusto nyang makipag-annull sa nanay ni glenn para mapakasalan nya yung asawa nya ngayun, masakit akala kasi nya puro masasaya lang ang magaganap ng gabi na yun.. hindi pala! hindi pumayag si glenn, at ng umuwi sya sa kanilang tahanan yun din pala ang talakayan, "EH ANO KUNG HIWALAYAN AKO NG AMA NYO? WALA AKONG PAKI-ALAM!" totoo ang sinasabi ng mama ni glenn, kasi sa kanila nga walang pakialam ang kanilang ina. lalo na kay glenn, kuhang-kuha kasi ni glenn ang maraming katangian ng kanyang ama. lalo na sa pagtugtog ng gitara.
pansamantala ko munang puputulin ang kwento na ito... nais ko po sana na humingi ng feedback sa inyo. salamat po...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento